Tagalog Tuesday: Tula (Poetry in Tagalog)

“Tula” or “panulaan” is how you call it in Tagalog.

 

This poem is from www.tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com

The title of this poem is “Pag-ibig ang siyang sasagip sa mundo.”

 (Love will rescue the world)

LIGAW 
Aking tinawid ang labing-isang dagat,
Itong mga bundok ay aking inakyat,
Upang itong OO – makitang sumikat,
Sa irog kong ibig na mapasapalad.

II
AKO’Y IYO
Gawin mong alipin itong aking puso,
Sa kadiliman nga ay gawin mong sulo,
Sa sibat ng unos dito ka magtago
Pagkat ang dibdib ko at ako ay iyo!

III
NGITI MO
Ang ngiti mo’y ilaw sa dilim kong sadlak
Sa aking umaga ay siglang pantulak
Sa tanghali’t hapon ay aking kayakap,
Upang ang kalsada, pumatag ang lubak!

IV
LUHA
Sugatan man ako sa pakikipaglaban,
Sa imbing daigdig nitong kapalaran,
Ako’y babangon pa sa kinasadlakan
Upang ang luha mo ay aking pahiran!

V
IKAW
Ikaw nga ang aking ngiti at halakhak,
Sa lungkot ay aking ligaya at galak,
Sa sakit na dulot nitong mga hirap,
Ikaw ang sigla sa buhay kong salat!

 

Watch out for my next post, we will translate this poem in English 🙂

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge